Martes, Abril 14, 2015

LIHIM NA PAGTINGIN (say it before its too late)

 


Ikaw ba ay may lihim na pagtingin sa isang tao? Hindi masabi ang nararamdaman ? O kaya ay nahihiya lang? This is the time to "say it before its too late" . :)

Wag ka nang mahiya na sabihin sa kanya kung ano ang tunay mong nararamdaman para sakanya. Sige ka baka maagaw pa yan ng iba. Wag kang magpakatorpe diyan sa isang tabi, malay mo isang araw magulat ka nalang may ibang nagtatapat na sakanya. At wag kang pacute lang, baka mamaya nagpacute ka nga hindi naman niya naaappreciate. :D 

Ganyan talaga bro! dumadating talaga sa point na magmamahal ka. Kasama talaga ang pagkahiya mo sakaniya, dahil may something sayo na hindi mo maipagtapat sa kanya :> Sa panahon ngayon hindi na uso ang hiya-hiya. Ang uso ngayon ay pagiging madiskarte. Kung paano mo sasabihin sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman mo. :) Ikaw din baka maunahan ka pa ng iba. Sayang naman malay mo ganun din siya sayo :( Sayang naman yang pagpapractice mo sa harap ng salamin kung hindi mo ipagtatapat sa kanya . Malalaman mong "sayang" talaga kung nakahanap na siya ng iba at nalaman mong iniintay ka din pala nya nung panahon na nagdadalawang isip ka pa na magtapat sa kanya .

1 komento:

  1. tama,dapat pg crush mo gumawa ka na ng paraan para makuha atension nya.wala ksi mapapala kung hiya ang papairalin.

    TumugonBurahin