Linggo, Abril 26, 2015

MAMA , MOMMY, NANAY, INAY





Sila yung mga dakila nating ina na walang ginawa kundi alagaan , mahalin at pagsilbihan tayo. Kahit na pasaway pa din tayo, alam naman natin na kaya nila tayo pinapagalitan ay mahal nila tayo, ayaw lang nila tayo na  mapahamak. Yung tipong magkasakit ka lang natataranta na sila. Kapag may tinatago tayo, alam nila na meron. Kapag may problema tayo alam nila dahil nararamdaman nila na nasasaktan tayo. Yung tipong pagnagkamali ka itatama ka nila. 

Sila yung pinakamagandang ibinigay sa atin ni God :) Maswerte tayo at ibinigay ang mga katulad nila sa atin . Dahil kung wala sila, kulang tayo. Walang sinuman ang papantay sa pagmamahal ng isang ina. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento