Martes, Abril 14, 2015
NASA HULI ANG PAGSISISI
Naranasan mo na bang magsisi sa huli ? (malamang kelan ba napunta sa unahan si pagsisisi di ba) hahah... Pero gaano nga ba kalaki si pagsisisi at laging nasa huli. :D
Katulad nalang sa LOVE . Palaging nasa huli ang pagsisisi. Yung tipong may nanliligaw sayo pero hindi mo in-entertain, dahil strict ang parents mo. Dumating sa point na ang sweet-sweet nyo pero ang status FRIENDZONE saan ka pa. (-_-)" Ang sad ng life noh . Tapos ngayon meron na siyang iba.. para kang nabagsakan ng hallow blocks sa ulo sa sobrang sisi. Yung tipong nakita mo siyang may kasamang iba tapos nilalanggam na sa sobrang sweet. AWWTS sakit dito <3
Dati tinetxt ka niya araw, tanghali at gabi . Pero ngayon nasan na ang text niya? Nasend na sa iba.. ibang dimension. xD Kung dati sinasabihan ka niya ng "ingat ka lagi", ngayon nasan na ang mga salitang iyon? Hinipan na ng hangin. Kung dati malapit kayo sa sa isa't isa, ngayon nasan na siya? Ayun may ibang mundo ng ginagalawan. Kung dati ikaw ang nagpapasaya sakanya, ngayon sino na? Ayun babaeng mahal na mahal nya. Kung naexperience mo na ang sitwasyong ito, tara kain tayo ampalaya libre kita :) Pero kung di mo sila kayang nakikitang masaya, tara sa tindahan ng MILKTEA :)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
.jpg)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento