Linggo, Abril 26, 2015
MAMA , MOMMY, NANAY, INAY
Sila yung mga dakila nating ina na walang ginawa kundi alagaan , mahalin at pagsilbihan tayo. Kahit na pasaway pa din tayo, alam naman natin na kaya nila tayo pinapagalitan ay mahal nila tayo, ayaw lang nila tayo na mapahamak. Yung tipong magkasakit ka lang natataranta na sila. Kapag may tinatago tayo, alam nila na meron. Kapag may problema tayo alam nila dahil nararamdaman nila na nasasaktan tayo. Yung tipong pagnagkamali ka itatama ka nila.
Sila yung pinakamagandang ibinigay sa atin ni God :) Maswerte tayo at ibinigay ang mga katulad nila sa atin . Dahil kung wala sila, kulang tayo. Walang sinuman ang papantay sa pagmamahal ng isang ina. :)
M U S I C
Music makes me stronger :)
Ito lang ang nakakapagpagaan ng loob ko may mga oras na nalulungkot ako.
Yung tipong parang wala akong kakilala sa mundong ito kaya sa kanta nalang ako magfofocus. :)
Nakakarelax sa pakiramdam lalo na
kapag nakakarelate ka pa sa musikang pinapakinggan ko. Yung moment na kapag may problema ka idadaan mo nalang sa pagkanta parang ganito. La la la la la la ^0^
At point na sa kanta mo lang nae-express ang tunay mong nararamdaman. oyyst! (lablayf nanaman) :D At kapag nakikinig ka ng kanta feeling mo ang laya mo :)
Martes, Abril 21, 2015
Stuck in the friendzone (-_-)
Naranasan mo na bang mainlove sa isang kaibigan??
Mahirap mainlove sa isang kaibigan. Lalo na kung close na close na talaga kayo. Bakit nga kaya ganun? kung kelan close na kayo, dun pa mahirap magtapat ng nararamdaman sa kaniya. Dun pa sa panahong malalim na talaga .
Siguro kasi ayaw mo siyang mawala sayo, dahil siya lang ang napagsasabihan mo ng mga bagay na tungkol sayo.
Pero mas mabuti siguro kung hanggang bestfriend nalang. Mahirap kasi kung yung feelings ay ikaw lang ang nakakaramdam. Yung feeling na hindi mutual, hindi pareho at higit sa lahat malabong mangyari . Mas okay kung i-enjoy mo nalang kung anong meron kayo, uso naman makuntento. :) Being inlove with your bestfriend is only lucky if he/she love you back . :)
*You can never "just be friends" with someone you fell in love with.
*
=GIN KINGS=
Two years ago, nakilala ko sila bilang
isang sikat na team ng basketball dito sa Pilipinas. At first hindi pa ko mahilig manuod ng basketball, pero one night habang nanunuod ng basketball ang kapatid ko and that was the game of GINEBRA bigla nalang ako nagulat dahil dahil narealize ko na nanunuod na pala ko ng game and that was kinda fun. :)
Nagsimula akong mamangha sa kanila nung time na nagbuzzer beater si Japeth Aguilar. <3 Kahit mababaw , that game gave me a reason to support the team. Days, weeks, months, year past, I've started to know them. Kahit na hindi ko sila nakikita in person, feel ko na mababait sila. The way na kung papaano ang pakikitungo nila sa ibang team sa loob ng court. Yung tipong kahit nagkakainitan na sila hindi sila lalaban. Lalo na kapag nakita nyo yung funny sides nila . <3 Yung tipong kikiligin ka pagnahagip na sila ng camera. :) Yung sa sobrang pagkafan mo hindi ka makausap ng matino kapag natatalo sila sa mga games nila, na kahit ang O.A okay lang.. Malulungkot kapag may nagsasabi sa kanila ng hindi maganda. Chillax, tao din sila may pakiramdam at nasasaktan din sa bawat masasakit na salita na natatanggap nila. Sa bawat steals na nakukuha, napapatakbo nila ng mabilis ang ating mga puso sa pagnanais na makapoints. Sa bawat rebound ng bola, may pangamba tayo na baka maagaw pa ito ng iba. Sa bawat three points na nagagawa may panatag sa kaisipan na malaki ang chance na manalo. Pero kapag dumating na ang defense ng kalaban, may worry tayo na pwede nila tayong maunahan.
Alam kong madaming fans ang nalulungkot kapag dumadating ang saddest part, ang pagkatalo. Pero alam ko at feel na feel ko na kung gaano tayo kalungkot, mas doble ang lungkot sakanila. Alam ko naman na hanggang ngayon ay uhaw silang magchampionship. Pero alam ko din na mabubuhay at muling sisigla ang walang kamatayang "NEVER SAY DIE". Alam natin na ginagawa ng Gin Kings ang lahat ng kaya nila para makarating sa championsip. Ang championship na iniintay natin ay parang "FETUS" o sanggol na nasa sinapupunan, hindi pa nag-eexist sa mundong ito pero dadating at dadating ang tamang time para dito.
Nararamdaman ko na kung paano nila agawin, alagaan at huwag hayaang mapunta sa iba ay ganun din ang kagustuhan nila na wag tayong magsawang sumuporta sa kanila.
-----> SHARE LANG :) O.A na :)
Martes, Abril 14, 2015
LIHIM NA PAGTINGIN (say it before its too late)
Ikaw ba ay may lihim na pagtingin sa isang tao? Hindi masabi ang nararamdaman ? O kaya ay nahihiya lang? This is the time to "say it before its too late" . :)
Wag ka nang mahiya na sabihin sa kanya kung ano ang tunay mong nararamdaman para sakanya. Sige ka baka maagaw pa yan ng iba. Wag kang magpakatorpe diyan sa isang tabi, malay mo isang araw magulat ka nalang may ibang nagtatapat na sakanya. At wag kang pacute lang, baka mamaya nagpacute ka nga hindi naman niya naaappreciate. :D
Ganyan talaga bro! dumadating talaga sa point na magmamahal ka. Kasama talaga ang pagkahiya mo sakaniya, dahil may something sayo na hindi mo maipagtapat sa kanya :> Sa panahon ngayon hindi na uso ang hiya-hiya. Ang uso ngayon ay pagiging madiskarte. Kung paano mo sasabihin sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman mo. :) Ikaw din baka maunahan ka pa ng iba. Sayang naman malay mo ganun din siya sayo :( Sayang naman yang pagpapractice mo sa harap ng salamin kung hindi mo ipagtatapat sa kanya . Malalaman mong "sayang" talaga kung nakahanap na siya ng iba at nalaman mong iniintay ka din pala nya nung panahon na nagdadalawang isip ka pa na magtapat sa kanya .
NASA HULI ANG PAGSISISI
Naranasan mo na bang magsisi sa huli ? (malamang kelan ba napunta sa unahan si pagsisisi di ba) hahah... Pero gaano nga ba kalaki si pagsisisi at laging nasa huli. :D
Katulad nalang sa LOVE . Palaging nasa huli ang pagsisisi. Yung tipong may nanliligaw sayo pero hindi mo in-entertain, dahil strict ang parents mo. Dumating sa point na ang sweet-sweet nyo pero ang status FRIENDZONE saan ka pa. (-_-)" Ang sad ng life noh . Tapos ngayon meron na siyang iba.. para kang nabagsakan ng hallow blocks sa ulo sa sobrang sisi. Yung tipong nakita mo siyang may kasamang iba tapos nilalanggam na sa sobrang sweet. AWWTS sakit dito <3
Dati tinetxt ka niya araw, tanghali at gabi . Pero ngayon nasan na ang text niya? Nasend na sa iba.. ibang dimension. xD Kung dati sinasabihan ka niya ng "ingat ka lagi", ngayon nasan na ang mga salitang iyon? Hinipan na ng hangin. Kung dati malapit kayo sa sa isa't isa, ngayon nasan na siya? Ayun may ibang mundo ng ginagalawan. Kung dati ikaw ang nagpapasaya sakanya, ngayon sino na? Ayun babaeng mahal na mahal nya. Kung naexperience mo na ang sitwasyong ito, tara kain tayo ampalaya libre kita :) Pero kung di mo sila kayang nakikitang masaya, tara sa tindahan ng MILKTEA :)
MONEY - CHANGER
Pera .
Yung tipong pag walang pera ang init ng ulo, parang laging may kaaway. :) Pag meron naman nito , ang cool lang sa pakiramdam. Yung tipong chillax lang . Pero dapat sa panahong ito, hindi lang dapat sa pera umiikot ang mga mundo natin. Dahil kahit wala tayong pera, dapat nating alalahanin si God. Dahil kahit wala kang pera, hindi nya tayo pinababayaan sa araw-araw. Dapat tayong magpasalamat, kasi sa araw-araw na ginawa niya lagi nya tayong naiisip.
Bakit nga ba ang daming nababago ng pera ?
Yung mga taong close kayo tapos nung nagkaroon ng pera eh kala mo kung sino na. tsk! WAG DAPAT GANUN ! Sa panahon ngayon hindi na araw ang nagpapainit at hindi na yelo ang nagpapalamig. Pera nalang nalang ang nakakapagpainit at nagpapalamig sa mga ulo ng maraming tao dito sa mundo.
Yung tipong pag walang pera ang init ng ulo, parang laging may kaaway. :) Pag meron naman nito , ang cool lang sa pakiramdam. Yung tipong chillax lang . Pero dapat sa panahong ito, hindi lang dapat sa pera umiikot ang mga mundo natin. Dahil kahit wala tayong pera, dapat nating alalahanin si God. Dahil kahit wala kang pera, hindi nya tayo pinababayaan sa araw-araw. Dapat tayong magpasalamat, kasi sa araw-araw na ginawa niya lagi nya tayong naiisip.
Si God ginagabayan tayo sa araw- araw, ang pera ginagabayan ka ba? Si God binibigyan tayo ng buhay at kalakasan sa bawat arw, ganun din ba ang pera sayo? Si God binebless ka niya, nabbless ka din ba ng pera mo? Madaming nagagawa si God na hindi nagagawa ng pera. Put God in the center of your life. Dahil kapd ginawa mo ito daig mo pa ang mayaman. Sila mayaman lang, pero ikaw hindi ka lang mayaman. Kundi mayaman din sa pagmamahal ng Panginoon.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)


.jpg)
.jpg)
.jpg)